“BALLPEN”
        Bilang mag-aaral ang ballpen ay isang mahalagang bagay na ating ginagamit sa pag-aaral,  ang ballpen na rin ay naging isang bahagi na ng ating pang araw- araw na pamumuhay sa paggamit nito. Kung titignan ang ballpen, ito ay isang pangkaraniwang bagay lamang pero kung iisiping mabuti malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay, kung hindi dahil sa ballpen,hindi natin maisusulat ang gustong ipahayag ng ating isip at mga nararamdaman.
        Sa paggawa ng mga lektyur, takdang aralin at pati sa pagsusulit at iba ay ang ballpen na nagsisilbing panangga at sandata natin kahit ito ay isang maliit na bagay Lamang pero isa ito sa pinakaimportanteng bagay na hindi dapat mawala sa loob ng ating bag. Ballpen na ang kasama simula noong matutong magsulat at hanggang sa ngayon sa pag-abot ng ating mga pangarap. Ballpen ang sandigan kapag nais magsulat at nagsisilbing katulong sa mga gawain natin sa paaralan. Mahalaga pa rin sa atin ang ballpen dapat lang na pasalamatan natin siya kung wala ang ballpen hindi natin maabot ang mga pangarap natin.
        Kung susuriing mabuti, sinasalamin ng ballpen ang isa sa pinakamahalagang parte ng ating buhay. Sa paggamit pa lamang nito’y batid na ang pagiging maingat at mabusisi dahil ang isang pagkakamali’y nagdudulot ng malaking problema. Pilitin mang ayusin, ito ay may bahid na ng pagkakasala.
        Salamat sa ballpen, ballpen na sisilbing boses ng aking isipan, na panulat ng mga ideya na tumatakbo sa aking isip na mahirap ipahayag sa personal na paraan. Ang ballpen ay may iba’t ibang uri nito at klase tulad ng kulay, presyo, halaga, at gamit nito na nagsisilbing  paalala sa mga tao na lahat tayo ay may kanya-kanyang kakayahan na taglay at iba’t ibang pananaw sa buhay .

Comments